Paano kumita ng mas malaki sa 2Captcha

Gumawa ako ng maraming 2captcha accounts. Masasabi kong hindi naman bawal kasi may option ngang mag-transfer from one account to another basta 50 cents minimum. Ang importante lang wag na wag iri-refer ang sarili para ma-close/terminate ang account.

Here are the steps:

1. Gumawa ng 5 accounts.

2. Magbukas ng Chrome at Firefox.

3. Mag-open ng incognito window sa Chrome at Firefox para magkaroon ng 4 windows.

4. Mag-login sa 4 accounts gamit ang 4 na Windows.

5. Go to Start Work then Select normal captchas then mobile interface sa lahat ng accounts. Just minimize all of them based on your preference para makita lahat sa monitor ng laptop/computer.

Halos sabay-sabay lumalabas ang mga captchas kaya dapat mabilis mag-type. Okay lang naman hayaan nalang matapos mag-hibernate kung hindi talaga aabot sa timer kesa magkamali. Yung pang-limang account, reserba lang para sa account na magkakaroon ng mistake.

Based on my experience, inaabot ng mahigit 2 days bago ma-reset yung number of mistake kaya dapat maging maingat na wag magkamali.

Mabilis makaipon sa ganitong paraan basta mayroong minimum na 50 cents sa isa sa mga account. Kailangan lang mag-transfer ng mag-transfer.

Example.

Acct 1 – 50 cents

Acct 2 – 30 cents

Acct 3 – 30 cents

Acct 4 – 30 cents

Acct 5 – 40 cents

Let’s say Acct 1 ang main account, i-transfer ang 50cents sa Acct 2. From Acct 2, i-transfer ang 80 cents sa Acct 3. From Acct 3, i-transfer ang 1.1 to Acct 4. From Acct 4, i-transfer ang 1.4 sa Acct 5. From Acct 5, i-transfer ang 1.8 sa Acct 1. Then pwede nang i-cashout yung 1.8 pero mas maganda kung magtitira ng 50 cents para magamit ulit sa pagta-transfer.

Just click here para sa mga wala pang account.

https://2captcha.com?from=4790050

For any questions, feel free to comment.

Advertisements

Paano Kumita sa Kolotibablo

Kolotibablo na ang captcha site na madalas kong gamitin ngayon. Ang speed ng paglabas ng captcha ay depende sa sipag ng member. Kapag masipag kang magtype at maghintay ng mas maraming captcha mas kikita ka.

Hindi ako full time sa pagtatype ng captcha dahil busy rin ako sa aking PTC accounts. Pero plano kong maging busy na din dito, lalo na sa Kolotibablo, kasi nakikita kong umaabot ng $3 to $5 ang kinikita ng mga nagpu-full-time based sa list ng Top Workers.

Ito nga pala yung payment history ko.

kol his

Ito naman yung aking daily stats sa baba. As you can see, hindi talaga ako masipag. 🙂 For those na gusto tong gawing full time na hanapbuhay, magregister lang using this link. Yun nga lang, kailangan dito ng sipag at tyaga. Kasi sa umpisa, patataasin mo munayung parameters mo.

daily.PNG

For image captchas, mas mabilis gamitin ang web browser. Kapag Recaptcha naman mas okay ang web app at mobile app. Pwedeng gumawa ng multiple accounts sharing the same network/wifi connection. Yun nga lang dapat magkaibang device. For example: nagta-type ka ng image captcha/solve ng recaptcha gamit ang pc/laptop tapos recaptchas naman sa mobile app. Napipili ang type of captchas to solve sa settings ng mobile at web app then sa start page naman kapag sa web browser.

May tinatawag din na IMG boosted priority at RC boosted priority. Meaning, kung gusto mong magpataas ng parameters at magsolve ng maraming captchas sa mababang rate, pumili lang from 0% (normal rate), 10%, 20%, 30%, 40% at 50%. Ang technique ko sa mobile app; Recaptcha lang ang pinipili ko then 50% tapos kapag nakakarami na akong RC kusa nang tumataas yung boosted priority ko. Then kapag nasa 150 pataas na sya, saka ko naman pinipili yung 10%, kapag around 130 lang 20% naman. Bale, tantyahan lang. Kahit kasi normal rate kung 1 Recaptcha per minute/2mins naman eh sayang lang ang oras kaya mas okay na sakin yung may discount basta sunod-sunod.

Ang madalas na rate for Recaptcha ay $1.1 for 1000 RC. Tapos $0.42 for 1000 Images naman. Depende rin pati ang speed sa dami ng system load.  Kapag mahigit 100% ang load umaabot ng $2.2 per 1000 Recaptchas. Kahit hindi lumampas ng 100% pwede paring maging mahigit $1.1 ang rate basta kaunti yung workers. I mean, tinataasan nila ang rate to encourage ang mga workers na magsolve ng Recaptcha. Syempre, mas mabilis ma-solve mas matutuwa ang clients at mas maraming business.

Regarding naman sa payment process, kapag umabot ng $0.50 ang balance pwede mo ng i-transfer sa Kolotibablo account na gagamitin for withdrawal as long na may $0.50 minimum balance din yun. Mas mabilis kasing maabot ang minimim payout sa preferred payment method kapag iipunin sa isang account ang earnings. $1.00 lang naman ang minimum maliban sa VISA/Mastercard. Possible na mag-iba ang minimum payout, basta lalabas naman yung option to select kapag pwede na eh.

method.PNG

AdvCash ang preferred kong gamitin ngayon. Para makuha ko yung income ko in peso, nag-create ako ng account sa changer.com at coins.ph for free. ฿0.0010 ang minimum amount na pwedeng matanggap in BTC. Sometimes, mahigit $8, $9 or even $10 ang dapat AdvCash balance, so depende talaga sa BTC rate. Kapag gustong nasa peso na agad ang matanggap, yung Blockchain Wallet Address ng PHP wallet ang ilagay sa bitcoin address.

cha

May discount nga pala kapag may account ka sa changer.com. 

Recorded din ang mga transactions kapag may sariling account. Marami pating pagpipilian kaya pwedeng i-convert from AdvCash to Perfect Money, Payeer, Litecoin at kung ano-ano pa. Ang baba lang pati ng minimum amount to convert, as in $1 lang sa ordinaryong pera. I mean hindi cryptocurrency. I highly recommend changer.com sa mga nagwowork din sa PTC Sites na gustong i-invest ang kita nila from Kolotibablo to PTC Sites, like ScarletClicks, GPTPlanet at Twickerz. Madali lang kasing mag-convert from AdvCash to Perfect Money and Payeer na mas okay gamitin sa PTC ngayon dahil di na pwede ang Payza at Paypal.
Hanggang dito nalang muna. For any questions feel free to comment.

Update: Available na ulit ang Bitcoin (min. 0.002BTC) and Paypal (min. $200) as payment method. For the details on how to use coins.ph as bitcoin payout option, just click here.

Paano kumita sa PTC Sites gaya ng Scarlet-Clicks, Gptplanet at FamilyClix

Sa mga gustong kumita ng malaki sa PTC Sites, kakailanganin nyong mag-invest. As a free member kasi based on my experience, karaniwang range ng kita sa isang site per day ay $0.01 to $0.03 lang. Kapag ang minimum payout ay $2 or $5, aabutin kayo ng almost 6 months to a year bago makapag-request ng payment. Let’s say sa 10 legit PTC sites kayo kasali at $0.02 per day ang kita sa isang site, so $0.20 lang per day which is around ₱10/day or ₱300/month na kulang pa pambayad ng internet bill. Ang siste, hindi naman maaabot ang minimum payout sa loob ng isang buwan, so parang maghihintay ka pa ng ilang buwan bago makuha yung ₱300/month na kita.

I know negative yung first paragraph ng post ko, ayaw ko kasing basta makayaya nalang ng referral without proper setting of expectations.

Sa PTC sites, hindi ka kikita kapag wala kang tiyaga at magmumukha ka lang nagsayang ng oras kapag hindi ka magiging active. Masasabi ko ding sa mga free member na walang tiyaga kumikita ng malaki ang PTC sites kasi nababayaran ng advertisers ang site tapos hindi naaabot ng member ang minimum payout at sumusuko na kaya yung kita sa site lang lahat napupunta.

Ang isa pang masaklap na katotohanan, maraming PTC sites ang scam. In short, kahit mag-invest ka, hindi ka parin sure na kikita dahil nanakawin na ng site yung pera mo. Yung tipong mukhang active and paying site parin sila ang when you try to request payment, on queue ka na forever. Tapos kapag nag-create ka ng support ticket, hindi nila sasagutin or idi-delete nila without a reply.

Nag-start at naging aware nga pala ako about PTC sites back in 2008 to 2010. Hindi ako naging active, so obviously based on experience ang pinagsususulat ko. Sadly, nakailang scam sites na din ang nasalihan ko.

So, ano nga bang dapat gawin para kumita sa PTC Sites? 

  1. Magbasa muna ng reviews bago magregister. Ang pinakamagandang site for reviews para sakin ay ang netbusinessrating. Mas maganda kung gagawa ka ng account sa NBR para makapag-comment ka din sa reviews na mababasa mo.
  2. Sites na matatagal na ang salihan. Pwede rin ang new sites na may sister site na matagal na sa PTC industry. Matagal for me is 2 years pataas.
  3. Always check yung payment proof sa forum para malaman kung on time ba sila magbayad.
  4. Magsearch din about sa admin. Madalas kasi yung admin nung site, may history na ng pagiging scammer. You can try and trust them pero mas maganda kung alam mo yung actions nila before they turn into scam sites para makatunog ka kung ganun na ang direction nung site na sinalihan mo.
  5. Be active, as in click all the ads everyday. Mas maganda kung server reset time which is 6am Philippine time based on my experience kasi mas maraming ads ng ganyang oras. Sometimes may extended ads pa that cost $0.02 each.
  6. Ipunin ang earnings hanggang sa pwede nang mag-upgrade at magrent ng referrals. Kapag may extrang pera naman, mas maganda kung mag-invest para mas mabilis ang paglaki ng account. I recommend bitcoin using coins.ph ang gamitin sa pag-invest. Mostly kasi ng PTC sites, may bitcoin as payment method at mabilis lang mag-add at mag-widthraw ng pera sa coins.ph, as in napakaraming options. Ang second best payment method para sakin ay Perfect Money, mababa lang kasi ang fees unlike Payza.
  7. Kung ayaw mag-invest galing sa sariling bulsa, sali nalang kayo sa mga captcha sites thays pays through bitcoin tapos yung kita ang gamitin sa pag-invest.
  8. Syempre, yayayain ko kayong magregister sa trusted sites ko. Mostly ng sites dito, nakatanggap na ako ng payment. Don’t worry, I’m planning to create a blog for each of those sites with my updated stats para makita ng lahat. Yung banners and links below this blog are my favorites. Recommendation lang naman toh, so sana wag kayong mang-aaway if any site listed on my page turn out to be scam. Kapag may napansin kayong scam site, paki-inform nalang ako sa pamamagitan nang pag-comment on this page, lagi naman akong online. 🙂

https://www.scarlet-clicks.info/?ref=jhonnamora

https://www.gptplanet.com/?ref=jhonnamora

https://www.familyclix.com/?ref=jhonnamora

https://www.neobux.com/?r=jhonnam

https://www.twickerz.com/?ref=jhonnamora

Juice Fasting

Matagal ko nang napapakinggan at nababasa na maganda ang benefits ng juice fasting and water fasting. Hindi ko nga lang magawa kasi mahilig talaga akong kumain at may problema din ako sa sugar. One year na akong hindi nagpapacheck-up at malamang full blown diabetic na ako. Ang sabi kasi ng doctor ko last time, hindi pa daw niya muna ako riresetahan ng pang-maintenance dahil bata pa naman ako. Daanin ko nalang daw sa lose weight. Ang kaso mas lalo akong tumaba since then. Kailangan kasi mag-consult muna sa doctor bago mag-fasting, hindi ko ginawa at ayoko ng kontrabida. Hehehe.

Nagsimula akong mag-mix ng juice and solid food last August 27. Tapos puro fruit and vegetable juice simula August 30.

Hindi ako nakadumi ng 4 days, siguro dahil sa kulang ako sa fiber. Sobrang hirap ng first 3 days, pakiramdam ko hihiwalay ang laman ko sa buto ko. Grabe rin ang sakit ng ulo at pagiging irritable ko. Tapos pakiramdam ko may humihila ng mga litid ko sa alak-alakan kapag naglalakad at sobrang hirap bumangon.

Apple, pipino, carrots, repolyo, singkamas, calamansi, peras at sayote ang ginagamit ko sa manual juicer. Hindi ako gumagamit ng blender kasi maiinom ko din lang at maidudumi yung fiber. Bumibili din ako ng buko 5th day onwards, since nakakapanghinayang naman itapon yung laman, kinakain ko na pero yung malauhog na buko lang naman. The same thing with grapes, ang alam ko kasi masustansya yung balat nun kaya nakakapanghinayang i-juicer. When it comes naman sa calamansi, sinasamahan ko siya ng kaunting himalayan salt. Hindi kasi pwede ang marami at mataas din ang cholesterol ko and it will require me to drink more water.

Naging napakatapang ng pang-amoy at panglasa ko. As in mas nalalasahan ko na yung mga juice na iniinom ko at kahit malayo ang room ko sa lutuan eh amoy na amoy ko palagi ang mga niluluto ni Mudra.

I haven’t set a date kung hanggang kailan ko to gagawin, siguro hanggang sa kaya ko with God’s help. Marami kasi akong iniinda sa katawan kaya I really need to detox. I’ll update this post nalang from time to time.

Update 9/14/17

I’ve started eating again on the 8th day. Sobrang nag-crave kasi ako sa proven. Hahaha. Since then, once a day lang ako kumain ng meat and madalas na akong magpapak ng carrots at pipino. Nasanay na rin lang siguro talaga yung panlasa ko.

Finalbux 2017 Review (Not Recommended)

03/28/2017

I just joined Finalbux today after seeing their ads in one of my trusted PTC site. They have 15000 free golden membership. After checking their homepage, I saw that they only have more than 6000 members, so I’ve decided to join and see if I’ll get that Golden membership and here it is.

final

Hahaha. It’s a new site, so I’m not sure if they will pay or not but I’m happy that I was able to grab that $69 Golden Membership for free.

I’ve checked Google for reviews and it seems like there’s a PTC site named Finalbux before that has payment issues. I don’t know if it’s the same site/admin but if it is, I hope that they’ll do better this time.

They have different type of membership just like Neobux and they have rented referrals as well.

final.PNG

They have Payeer, Payza and Perfect Money as payment methods and from what I understand they can also process Paypal deposit after sending them a ticket and a Paypal withdrawal can also be requested. They also have a Skype support active from 9.00 to 13.00 and from 15.00 to 18.00 Central European Time (CET), UTC +1. and an email address support@finalbux.com.

I enjoy joining sites that have rented referral feature recently and I’ll definitely try to be active in Finalbux, so that I can earn money to rent referrals. I’m not confident in investing yet but I will once I see a lot of payment proof on their forum.

Anyway, the referral packs for this site are

$1 for 5 referrals

$2 for 10 referrals

$5 for 25 referrals

$10 for 50 referrals

$15 for 75 referrals

$20 for 100 referrals

The other sites that have rented referral feature that I’ve joined are the following:

SCARLET

GPT

NEO

twi.gif

clix.gif

Just click here if you wish to try Finalbux too or any of the sites that I’ve joined by clicking their banners above. Happy clicking! 🙂

UPDATED STATS 4/2/2017

final

I might have a dollar on my first week, by then I’ll start renting referrals.

UPDATED STATS 4/4/2017

I’ve earned a dollar on my first week with the help of my direct referrals, so I’ve rented 5 referrals yesterday. My next goal is to earn $1 again and rent 5 referrals. For those who wish to join Finalbux just click here.

final

UPDATED STATS 4/6/2017

I’ve earned a dollar again and rented additional 5 referrals. On my first 5 rented referrals, 4 are active and 2 from my second set of RRs already clicked their ads today.

I will not spend my earnings in recycling them. I’ll just let the bad ones expire. I will repeat this strategy again and again and just request payment after I have $3 excess after spending $1 in renting another 5 RRs, so that I’ll have a payment proof that I can post here.

final

UPDATE 7/19/2017

It took me months to update since I want to make sure first that the site is really not paying before I post any screenshots. Here’s a glimpse of my withdrawal history.

final

Related Blogs:

MAKE MONEY ONLINE OR EARN VIEWS ON YOUR PAGE BY JOINING THESE SITES

MGA BITCOIN FAUCETS NA NAGPAPADALA AGAD NG PAYMENT SA XAPO AT FAUCETHUB

PAANO GAMITIN ANG COINS.PH SA MEGATYPERS, 2CAPTCHA.COM, AT PROTYPERS

Matipid na Bakasyon sa El Nido, Palawan

palawan

Last January yung bakasyon ko sa El Nido bilang birthday gift ko sa sarili ko this year.

It turned out na yung mismong araw rin ng flight ko eh pagkamatay din ng isa sa mga tito ko at nasa airport na ako nung nalaman ko, kaya hindi na rin ako naging ganun ka-excited. Ilalagay ko nalang yung mga expenses at mag-comment nalang yung may gustong itanong. Bale 2 nights ako sa El Nido at isang gabi lang sa Puerto Princesa.

  • Flight AirAsia Seat Sale (Booking date 11/23/2015): 351.22
  • Pork Noodles Special sa Vietnamese Restaurant na madadaanan papuntang main road: 70
  • Multicab to San Jose Terminal: 13 (naglakad lang ako from Airport to Main Road)
  • Bread: 30
  • Water and Biscuits: 144
  • Roro Ordinary Bus to El Nido: 300
  • Stopover Food Pancit and 2 Bananas: 50
  • Food sa Carinderia near Roro Bus Terminal (masarap ang food): 55
  • Tricycle to Leonides (Island Front): 50 (dapat 20 lang kaso feeling mayaman ako nyan)
  • Banana (favorite ko talaga yan): 30
  • Food from the same carinderia: 80
  • T-shirts and Keychains: 890
  • Milo at Gatas: 40
  • Surf at Suka (para sa kagat ng maliliit na jelly fish): 18
  • Food sa may carinderia sa palengke: 65
  • Food sa carinderia malapit sa El Nido terminal: 40
  • Banana Shake: 50
  • Bread and cornbits: 22
  • Bibingka (sa may stopover papuntang Puerto Princesa): 80
  • Roro Ordinary Bus to Puerto Princesa: 300
  • Tour A sa El Nido: 1400
  • Kayak Rental: 300
  • Food (hindi ko na maalala kung anong food): 90
  • Yakult (Stopover): 24 (2 pieces, ang mahal noh?)
  • Pamasahe from San Jose Terminal to Airportside Inn (dalawang sakay): 33
  • Food: 208
  • Bread: 10
  • Food sa may carinderia sa Airport: 105
  • Leonides fan room for one night booked through Agoda: 518
  • La Mina Grande (Agoda) for one night: 600
  • Airportside Inn (Agoda) dormitory type: 250
  • Airport Fee: 200

TOTAL = 6416.22

Mga napatunayan ko sa aking pamamasyal sa El Nido:

  1. Napakaganda niya talaga as in busog na busog ang mata ko kahit Tour A lang ang kinuha ko
  2. Malamok
  3. Madalas ang brownout kaya magdala ng powerbank
  4. Mahina ang tubig sa gripo
  5. Mababait ang mga tao
  6. Napakaraming foreigners kahit hindi summer
  7. Masarap ang pagkain sa tour
  8. Magdala ng tsinelas na pwedeng gamitin sa dagat at masakit magpaa.
  9. Malakas ang signal ng Sun kaya nakakapag-facebook pa ako gamit ang pocket wifi ko
  10. Matatamis ang saging.
  11. Maliit na bayan lang siya kaya magandang maglakad sa paggagala para matipid.
  12. Merong BPI (malapit sa port) at bank malapit sa munisipyo na may ATM din, pero mas maganda kung maraming cash na dala kasi sa dami ng tourists mukhang madalas maubusan ang mga machines dun.
  13. Masarap sumakay sa ordinary bus kasi nakakatuwang makita yung pamumuhay ng mga tao dun mula sa pagpapadala ng kung ano sa konduktor hanggang sa tigli-limang pisong bayad ng napakaraming estudyanteng papara sa daan.
  14. Ang cute tignan nung mga asong naglalakad sa dagat, as in sa dagat talaga. Tapos yung mga asong mahimbing ang tulog sa buhanginan.

Mahilig talaga ako sa public transport kapag namamasyal. Lagi ko kasing iniisip na babalikan ko yung lugar with my family kaya dapat alam ko ang pasikot-sikot at kung saan makakakain ng mura pero masarap.

Paano makisama sa mga officemate (Call Center/ BPO)

Sa BPO Industry palang naman ako nakakapagtrabaho kaya ganyan ang naisip kong title. Hindi English tong post dahil ang target readers ko eh yung mga taong gustong magka-idea kung paano ang kalakaran ng pakikisama sa mga katrabaho sa call center.

20 years old ako nung nagsimula sa isang maliit na call center sa Ortigas. Undergraduate lang ako at nung una pakiramdam ko walang tatanggap sakin dahil hindi naman ako sanay ng makisalamuha sa iba. Active naman ako sa school nung highschool pero sa dami ng mga problemang dumating at pagkakatigil ko sa pag-aaral eh nawalan ako ng kompyansa sa sarili.

Isa sa masasabi kong maling paniniwala sa pag-aapply sa call center ay yung mataas na pinag-aralan at galing sa computers. Para sakin confidence ang unang dapat na meron ang isang applicant saka basta marunong magtype okay na. Hindi rin naman pati lahat ng company eh may typing test. Basta dapat marunong sumagot sa “tell me something about yourself” kasi nga naman, sarili mo na yan, kapag wala ka pang nasabi ewan ko nalang. 🙂

Sobrang dami pati ng BPO companies, tipong mag-apply lang maghapon sa Ortigas or BGC eh marami ka ng matututunan. Para sakin ang pagbagsak sa pag-aapply sa call center eh hindi dapat ikalungkot, kasi baka yung kalungkutan mo eh madala mo pa sa next company na aaplayan mo. Kailangan i-enjoy ang pag-aapply at siguraduhing nakikinig o nagbabasa ng instructions para hindi mapahiya. Kasi kapag hindi ka nakinig, kailangan mong magtanong in English at magmumukhang hindi ka interasado kaya markado ka na agad sa recruitment specialist.

Nung unang panahon na nag-apply ako, masyado akong honest sa mga tanong. Yung tipong pati problema ko sa pamilya eh naikwento ko pa, ayun tuloy, hindi ako nakapasa. Kailangan kasi sa BPO malakas ang loob at magaling maghandle ng stress or problema. Ito kasi yung tipo ng industry na problema ng kung sino-sino eh puproblemahin mo. Kaya kapag nasa office na dapat hindi bitbit ang mga problema sa bahay.

Mahirap to and until now eh hindi ko parin namamaster. Bilang panganay na anak ng isang alcoholic at battered wife, masasabi kong the struggle is real. Basta dapat focus lang, at fake it til you make it ang peg pagdating sa interview. Kailangan magpanggap na game kang lutasin ang problema ng kahit na sino. Kailangan bawat tanong nila, meron kang sagot.

Kapag nakapasa na at start na ng training, kailangan galingan magmanage ng time. Kasi kapag late ka palagi, tatanggalin ka nila agad. Saka kailangan galingan sa training, tipong dapat feeling mo nakikipag-agawan ka sa pagiging first honor. Basta wag lang magiging mayabang para hindi kainisan. Nagtatanggalan kasi sa training at madalas madaming exams, saka dito ka matututo ng ibang isasagot mo sa customers kapag asa floor ka na kaya dapat makinig nang maayos. May possibility din pati na may recognition after ng training at ang mga magagaling eh mapupunta sa mga teams sa floor na matataas ang stats. Kaya bonus points kapag sa magagaling na team napasama.

Kahit feeling mo info overload ang training, pagdating sa floor pakiramdam mo parang wala ka lang natutunan at maaaring masisi mo pa yung trainer sa mga hindi niya naituro sayo. Dito magiging kapakipakinabang ang mga kateam na magagaling, kasi matututo ka sa kanila kung paano ang kalakaran kahit hindi ka magtanong basta makinig at manuod ka lang. Madalas naman yung mga magagaling na agents eh willing magturo sa mga bago. Yung mga mayayabang lang at may ginagawang kalokohan ang madalas na ayaw kasi nga hindi sila makakapag-calls ng naayon sa diskarte nila kapag may audience.

Kailangan maging mapili sa mga kakaibiganin sa BPO. Dapat dun ka sa mga may maituturo sayo, yung masisipag magtrabaho, masaya sa trabaho at may malasakit sa kapwa. Dapat obserbahan kung backstabber ba sila sa ibang kaibigan nila sa office at baka ganun din sila sayo.

Toxic kasi sa call center, tipong napakalala ng plastikan at office politics. Kaya kung paanong ang problema mo sa bahay eh dapat mong iwan, dapat yung mga kakaibiganin mo eh ganun din. Mahirap kasi kapag daingan ka na nga ng customer mo sa phone eh ganun din ang gawa sayo ng officemate mo kapag break time. Okay lang sana kapag paminsan minsan lang lalo na kapag mabigat talaga ang problema ng kaibigan mo.

Yun nga lang, marami rin kasing tao sa BPO ang talagang walang disiplina. Tipong ubos biyaya kapag sweldo tapos puro reklamo kung paanong siya eh hindi properly compensated kapag wala na siyang budget at saka ka uutangan. Masakit sa ulo di ba?

Bilang panganay na anak at undergraduate, natry ko ng maging working student at magpaaral ng kapatid na high school hanggang sa magcollege kaya masasabi kong asar talo ako sa mga naging officemates ko na hindi marunong humawak ng pera tapos puro reklamo. Dapat sa kanila bigyan ng payo once, tapos kapag ginawa kang daingan ulit eh tumakas ka na. Wag pabayaang ang 15 minute o lunch break eh magugol sa nakakastress na usapan.

Stress kasi ang pinakadahilan ng mga sakit na nakukuha ng agents based mismo sa sarili kong karanasan. Kaya kung paanong dapat galingan sa trabaho eh dapat galingan din ang paghahandle ng stress.

Marami ang mga taong sipsip sa boss at feeling close sa BPO kaya dapat mag-ingat sa mga sasabihin. Mamaya tamang reklamo ka tungkol sa TL mo sa kateam mo tapos bigla kang isinumbong. Kaya mas maganda kapag merong reklamo eh iparating sa kinauukulan kesa idaldal sa mga kasama.

Madalas naman ang coaching sessions sa BPO kaya kapag  may hindi ka gusto sa TL mo eh pwede mo namang sabihin sa kanya in a nice way. Kapag sobrang panget or unprofessional ang atraso sayo at nakakaapekto na masyado sa pagtatrabaho mo eh pwede mo ring isumbong sa boss niya or sa HR. Mas magandang ireport ang mga ganap na panget sa opisina kesa mag-rant sa social media or idaldal sa mga officemates mo ang mga hindi mo gusto. Kasi hindi mo naman pareho teammates mo, baka okay na okay sila sa TL mo tapos ikaw lang pala ang hindi. Saka kapag sa facebook ka naman nag-rant eh mangunsumi pa ang ibang kamag-anak mo sayo. Saka baka tamang stalker mo pala yung TL mo eh gamitin pa nya laban sayo yung mga pinaglalagay mo sa wall mo.

Natry ko nang magkaroon ng TL na ayaw na ayaw sakin, as in kasabay nya maglunch ang mga kateam ko at ako lang madalas ang hindi kasali. Later on, nalaman ko na inuutangan niya pala mga teammates ko at ako lang ang hindi niya mautangan.

In short, wag ikalungkot kapag merong taong hindi ka gusto. Malay mo kaya hindi ka niya gusto kasi hindi ka niya mapakinabangan at hindi dahil sa meron kang ginawang masama sa kanya. Masasabi ko rin pati na dapat kapag magpapautang ka sa BPO eh wag ka nang umasang babayaran ka. Kasi may mga mangungutang lang ng mangungutang tapos mag-aAWOL na o kaya naman eh talagang walang balak na bayaran ka.

Ito yung industry na kailangan ng bonggang bonggang self dicipline, pagtitiis at galing sa pakikisama. As in kung gusto mong umiwas sa away eh dapat alam mo kung ano ang kahulugan ng salitang respeto at kung paano ito iapply. Maraming bully sa BPO, tapos kapag nagreklamo ka ng bullying eh magmumukha ka lang tanga. In short, kung ang pambubully sayo eh verbal lang naman, tiisin mo nalang or kung bully ka din bahala ka na kung gusto mong gumanti. Parang libangan nalang kasi ang bullying sa call center, tipong mas offensive, mas nakakatawa.

Iba-iba at kakaiba din ang paniniwala ng mga tao sa BPO kaya dapat hindi mo itutulad sa sarili mo. Kailangan malakas ang pakiramdam, kapag hindi comfortable ang officemate mo sa topic nyo eh wag ka ng mangulit para hindi ka kainisan.

Basta ang lagi ko lang tinatandaan pagdating sa pakikisama eh yung nasa 1 Corinthians 15:33 na ang masasamang kasama eh sumisira ng magandang ugali. Hindi ko sinasabing iwasan ang mga taong sa tingin mo eh masama ang ugali, ang ibig kong sabihin, dapat mag-ingat at baka mamaya eh mahawa sa hindi magandang ugali ng iba. Kapag mabait ka naman pwedeng yung salbahe naman ang mahawa sayo eh. Kailangan lang talagang maging matalino sa pakikisama.

For any questions, comment lang po kayo. Thanks sa pagbasa.

 

Paano gamitin ang coins.ph sa Kolotibablo at 2captcha

Sa mga nagsi-search for online jobs, masasabi kong ang pagtatype ng captcha ang isa sa pinakamadali at based sa experience ko ang mga captcha sites na nagbabayad talaga ay ang 2captcha at Kolotibablo.

Kolotibablo ang pinaka-recommended ko sa lahat ng captcha sites, yun nga lang matrabaho ang pagprocess ng payment. Sa mga gustong mag-join at malaman ang payout process ng Kolotibablo, just click here.

Nung una problemado ako kasi paypal lang ang alam kong legit na pwede kong gamitin na payment method at madalas malaki pa yung required amount para makapag-request ng payout ($5.00). Para sakin malaki na yan dati kasi nga nagsisimula palang ako at ayaw ko naman sayangin ang oras ko sa hindi nagbabayad na site.

PAANO KUMITA NG MAS MALAKI SA 2CAPTCHA

Then nabasa ko sa facebook na pwede palang gamitin ang coins.ph sa 2captcha.com. Kaya nagdownload ako ng app nila sa playstore then signed-up. May referral promo sila kapag gumamit ng code or link ng existing user. Ito yung referral link ko: https://coins.ph/invite/8cw07o?v=2 at code: 8cw07o sa mga gustong gumamit. Kailangan mag-upload ng valid id sa coins.ph para magamit ng maayos yung mga features ng site/app nila. Dapat honest din sa details para maiwasan ang problema sa pagwi-withdraw.

Magkakaroon ng dalawang wallet sa coins.ph. Isang bitcoin wallet at peso wallet na may corresponding bitcoin and peso wallet addresses. Kapag peso wallet address ang ginamit, automatic na converted na kagad from bitcoin to PHP yung payment. Para sakin mas okay ang bitcoin wallet address kasi pwede pa akong maghintay nang mataas na conversion rate.

$1 lang ang minimum amount sa 2captcha at pwede magrequest ng payout anytime.

2captcha guide

Makikita ang bitcoin purse sa coins.ph app sa pag-tap sa “Receive” then select “Show Blockchain Wallet Address.

Kapag sa coins.ph website naman, i-click lang yung boxes sa right side ng wallet.

dollarpeso

bitad.PNG

Maraming options ang coins.ph gaya ng cash cards, cash pickup, banks, etc.

Cebuana, Security Bank eGiveCash at GCash lang ang gamit ko at masasabi kong ang bilis ng process once na asa coins.ph na yung pera.

options.PNG

Sa mga gustong makatipid sa payout fee, I recommend using eGiveCash. Yun nga lang 500 ang minimum na pwede i-withdraw. Ang gagawin lang pagdating sa ATM, press enter then piliin ang eGiveCash tapos Enter yung 16 digit eGC number na iti-text ng CoinsPH then Enter yung 4 digit eGiveCash Passcode.

Pwede ring ipa-withdraw sa iba ang eGiveCash. Ilagay lang sa Recipient’s mobile number ang number ng taong kukuha ng pera at sa kanila ipapadala yung 16 digit eGC number. Yun nga lang sayo ipapadala ng CoinsPH yung passcode, so kailangan mo itong i-text/pm sa receiver.

Now, hindi pa naman enough para sa lahat ng bills ko ang kita ko pero malaking tulong narin.

Comment lang kapag meron pong tanong. 🙂

Related Post: Paano Kumita sa Kolotibablo,

My 2Captcha Strategy

Feeling Inspired

Namatay na Tito Boyet ko after almost 17 years ng pagiging bedridden. Kahapon siya nilibing. Kaya, syempre, naipon na naman ang pamilya which is nakakalungkot dahil saka lang kami naiipon kapag may patay.

Anyway, feeling inspired ang naisip kong title at sobrang nainspire ako sa nakita kong pagmamahal ng mga pinsan ko sa Tito ko. Nakaka-inspire din ang kasipagan nila kahit na maalwan naman na sila sa buhay. Ang pagkawala ni Tito eh parang wake up call sakin to spend more time with my extended family. Lalo na sa 5 tito at tita kong natitira. Grabe ang tanda na nila, as in malalapit na silang maging senior citizens lahat.

Saka nakapag-isip-isip din ako, seeing my cousins. Yung masasabi kong meron akong gustong tularan at merong hinding hindi dapat gayahin. Yung feeling na dapat na ang bawat kwento eh hindi dapat papasok at lalabas lang sa magkabilang tenga. Yung dapat pag-isipan ko kung ano ba yung aral na ibig ituro.

Kaya eto ako ngayon, feeling energized din at game na game i-achieve ang kanyang mga goals sa buhay. Baka sa kalagitnaan pa ako ng taon makabalik sa pagtatrabaho sa office kaya kailangan munang magfocus sa aking online jobs at pamamasyal sa aking mga mahal sa buhay dahil pagbalik ko sa office eh pahirapan na ang pagbabakasyon ulit.

These past few weeks eh tamang practice ako ng mindfulness at positive thinking. Nagsimula na din akong mag-meditate which is nasira lang dahil sa recent events pero itutuloy ko din agad ngayong dito na ako ulit sa house.

Ayan lang muna, I will write another blog for my El Nido, Palawan trip kapag naorganize ko na ang aking thoughts kung ano ba gusto kong isulat.

Lazada Review

Gusto ko sana magsulat ng review about sa affiliate marketing ng Lazada kaso wala pa akong feedback tungkol sa application ko a few days ago and as of this na ine-edit ko toh (12/15/2016) ay wala parin feedback, so I guess dedma sa banga ang Lazada kasi nga naman hindi naman ako famous blogger. Sa ngayon, yung pag-order muna gamit ang Paypal ang isusulat ko. Balak ko kasing bumili ng products sa Lazada tapos gagawan ko ng review bawat product na bibilhin ko. Sa ngayon, sewing machine ang bibilhin ko. Yung mura lang at may malaking discount. Sobrang dami na kasi ng mga damit kong hindi na kasya sakin kaya balak ko silang gawing skirt or kahit na ano pang pwede kong mapakinabangan.

sewing

sewing

Sa baba ng Shipping and Billing address ay ang Order Summary. October 17 ng gabi ako nagprocess ng order at ang Standard delivery ay sa Oct. 19 hanggang 22.

lazada

Pagkatapos kong piliin ang Paypal at icheck kung tama ko bang nailagay ang address ko dito sa Binan, Laguna ay ira-route ako ng Lazada sa site ng Paypal to login and choose yung card/ mag-add ng card para sa payment. Nagsend kagad ang Lazada ng order confirmation email sakin.

lazada.PNG

Aabangan ko nalang kung may tatawag or text sakin about my order. Hopefully, matanggap ko kagad. At masimulan ko ng magtahi at magsulat ng review about sa sewing machine na binili ko.

===================================================

October 20 ko natanggap yung sewing machine and infairness, masipag magtext ang Lazada ng update ng delivery.

Regarding sa product, saglit ko lang siya nagamit. Around 3 days lang tapos nasira na agad. Sa pagsasauli ng item, kailangan iprint yung Return Form at kapag walang printer pwede naman daw isulat yung 15 digit Return Number sa packaging. I think mas maganda kung itatanong narin sa LBC kung sang part ng packaging yun isusulat.

Libre lang ang pagsasauli sa LBC ang hassle nga lang masyado. May matatanggap na text message at email galing orders@info.lazada.com.ph once na approved at processed na yung return at refund.

Then aabutin ng forever kapag Security Bank ang gamit. Joke lang! November 24 ko nareceive yung refund ko on my savings account. Nag-email ako sa Security Bank a week after ng refund from Lazada at nagsend sila sakin ng dispute form na dapat kong i-print, scan and email sa kanila. Hindi ko yun ginawa kasi may kutob na rin ako na it’s just same issue na naranasan ko before with Uber. As in forever din ang paghihintay ng refund and ang sasabihin lang ng Uber Support eh naprocess na nila on their end. Kaya pagdating sa refund medyo dismayado ako sa Security Bank but I definitely love their customer service and features ng online banking nila.

Well, wala pa akong binibili ulit from Lazada. Nakakadala kasi lalo na sa gaya kong hindi naman yayamanin para maghintay ng matagal for refund or maybe dispalinghado lang talaga yung product na napili ko.

==============================================

I’ll update it once na may binili ako ulit.