Lazada Review

Gusto ko sana magsulat ng review about sa affiliate marketing ng Lazada kaso wala pa akong feedback tungkol sa application ko a few days ago and as of this na ine-edit ko toh (12/15/2016) ay wala parin feedback, so I guess dedma sa banga ang Lazada kasi nga naman hindi naman ako famous blogger. Sa ngayon, yung pag-order muna gamit ang Paypal ang isusulat ko. Balak ko kasing bumili ng products sa Lazada tapos gagawan ko ng review bawat product na bibilhin ko. Sa ngayon, sewing machine ang bibilhin ko. Yung mura lang at may malaking discount. Sobrang dami na kasi ng mga damit kong hindi na kasya sakin kaya balak ko silang gawing skirt or kahit na ano pang pwede kong mapakinabangan.

sewing

sewing

Sa baba ng Shipping and Billing address ay ang Order Summary. October 17 ng gabi ako nagprocess ng order at ang Standard delivery ay sa Oct. 19 hanggang 22.

lazada

Pagkatapos kong piliin ang Paypal at icheck kung tama ko bang nailagay ang address ko dito sa Binan, Laguna ay ira-route ako ng Lazada sa site ng Paypal to login and choose yung card/ mag-add ng card para sa payment. Nagsend kagad ang Lazada ng order confirmation email sakin.

lazada.PNG

Aabangan ko nalang kung may tatawag or text sakin about my order. Hopefully, matanggap ko kagad. At masimulan ko ng magtahi at magsulat ng review about sa sewing machine na binili ko.

===================================================

October 20 ko natanggap yung sewing machine and infairness, masipag magtext ang Lazada ng update ng delivery.

Regarding sa product, saglit ko lang siya nagamit. Around 3 days lang tapos nasira na agad. Sa pagsasauli ng item, kailangan iprint yung Return Form at kapag walang printer pwede naman daw isulat yung 15 digit Return Number sa packaging. I think mas maganda kung itatanong narin sa LBC kung sang part ng packaging yun isusulat.

Libre lang ang pagsasauli sa LBC ang hassle nga lang masyado. May matatanggap na text message at email galing orders@info.lazada.com.ph once na approved at processed na yung return at refund.

Then aabutin ng forever kapag Security Bank ang gamit. Joke lang! November 24 ko nareceive yung refund ko on my savings account. Nag-email ako sa Security Bank a week after ng refund from Lazada at nagsend sila sakin ng dispute form na dapat kong i-print, scan and email sa kanila. Hindi ko yun ginawa kasi may kutob na rin ako na it’s just same issue na naranasan ko before with Uber. As in forever din ang paghihintay ng refund and ang sasabihin lang ng Uber Support eh naprocess na nila on their end. Kaya pagdating sa refund medyo dismayado ako sa Security Bank but I definitely love their customer service and features ng online banking nila.

Well, wala pa akong binibili ulit from Lazada. Nakakadala kasi lalo na sa gaya kong hindi naman yayamanin para maghintay ng matagal for refund or maybe dispalinghado lang talaga yung product na napili ko.

==============================================

I’ll update it once na may binili ako ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s