GOODBYE 2016! HELLO 2017….

Ang mga huling araw ng 2016 ko ay ginugol ko sa ospital sa pagbabantay sa bunso kong kapatid. At ang first day ko naman eh puro tulog lang sa sama ng pakiramdam ko.

Ang 2016 ko eh panget kung kalusugan at trabaho ko ang pag-uusapan pero maganda naman kung paggala ang pagbabasehan. Marami akong narating ng 2016 at maraming first time.

January ang aking birth month at 2017 naman ang last year ko sa twenties. Pakiramdam ko eh dapat tamang matured na ang drama ko pagtungtong ko ng thirties kaya dapat lubus-lubusin ang pagkafeeling young  and free ng 2017.

Ang dami kong balak gawin ngayong taon. Maraming gustong pag-aralan. Kaya dapat maging disiplinado na ako sa health ko para hindi ako mahirapan. Ang hirap kasing mag-concentrate sa pag-aaral kapag merong masakit.

Anyway, ngayong year ko na uumpisahan ang freelancing career ko. Kahit enough na pang-enroll lang muna ang kitain at pambayad ng bills at kaunting panggala ay ayos na sakin. Saka nalang ako babawi kapag nakatapos na ako. Balak ko na ding mag-Civil Service exam this year, so gagawa din ako ng blog about my review techniques and so on. Hahaha…Wish ko lang maipasa ko siya on my first take. Kailangan na talagang maging seryoso sa buhay at hindi na ako bumabata lalo na ang katawan kong walang pakisama sa katakawan ko. Hehehe… Kailangan ng iwasan ang pagiging stress-eater, so dapat exercise nalang ang gawin kong past time kapag stressed ako. Hmmm… Kailangan ko ng bonggang self-discipline this year. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s