Month: February 2017

Paano makisama sa mga officemate (Call Center/ BPO)

Sa BPO Industry palang naman ako nakakapagtrabaho kaya ganyan ang naisip kong title. Hindi English tong post dahil ang target readers ko eh yung mga taong gustong magka-idea kung paano ang kalakaran ng pakikisama sa mga katrabaho sa call center.

20 years old ako nung nagsimula sa isang maliit na call center sa Ortigas. Undergraduate lang ako at nung una pakiramdam ko walang tatanggap sakin dahil hindi naman ako sanay ng makisalamuha sa iba. Active naman ako sa school nung highschool pero sa dami ng mga problemang dumating at pagkakatigil ko sa pag-aaral eh nawalan ako ng kompyansa sa sarili.

Isa sa masasabi kong maling paniniwala sa pag-aapply sa call center ay yung mataas na pinag-aralan at galing sa computers. Para sakin¬†confidence ang unang dapat na meron ang isang applicant saka basta marunong magtype okay na. Hindi rin naman pati lahat ng company eh may typing test. Basta dapat marunong sumagot sa “tell me something about yourself” kasi nga naman, sarili mo na yan, kapag wala ka pang nasabi ewan ko nalang. ūüôā

Sobrang dami pati ng BPO companies, tipong mag-apply lang maghapon sa Ortigas or BGC eh marami ka ng matututunan. Para sakin ang pagbagsak sa pag-aapply sa call center eh hindi dapat ikalungkot, kasi baka yung kalungkutan mo eh madala mo pa sa next company na aaplayan mo. Kailangan i-enjoy ang pag-aapply at siguraduhing nakikinig o nagbabasa ng instructions para hindi mapahiya. Kasi kapag hindi ka nakinig, kailangan mong magtanong in English at magmumukhang hindi ka interasado kaya markado ka na agad sa recruitment specialist.

Nung unang panahon na nag-apply ako, masyado akong honest sa mga tanong. Yung tipong pati problema ko sa pamilya eh naikwento ko pa, ayun tuloy, hindi ako nakapasa. Kailangan kasi sa BPO malakas ang loob at magaling maghandle ng stress or problema. Ito kasi yung tipo ng industry na problema ng kung sino-sino eh puproblemahin mo. Kaya kapag nasa office na dapat hindi bitbit ang mga problema sa bahay.

Mahirap to and until now eh hindi ko parin namamaster. Bilang panganay na anak ng isang alcoholic at battered wife, masasabi kong the struggle is real. Basta dapat focus lang, at fake it til you make it ang peg pagdating sa interview. Kailangan magpanggap na game kang lutasin ang problema ng kahit na sino. Kailangan bawat tanong nila, meron kang sagot.

Kapag nakapasa na at start na ng training, kailangan galingan magmanage ng time. Kasi kapag late ka palagi, tatanggalin ka nila agad. Saka kailangan galingan sa training, tipong dapat feeling mo nakikipag-agawan ka sa pagiging first honor. Basta wag lang magiging mayabang para hindi kainisan. Nagtatanggalan kasi sa training at madalas madaming exams, saka dito ka matututo ng ibang isasagot mo sa customers kapag asa floor ka na kaya dapat makinig nang maayos. May possibility din pati na may recognition after ng training at ang mga magagaling eh mapupunta sa mga teams sa floor na matataas ang stats. Kaya bonus points kapag sa magagaling na team napasama.

Kahit feeling mo info overload ang training, pagdating sa floor pakiramdam mo parang wala ka lang natutunan at maaaring masisi mo pa yung trainer sa mga hindi niya naituro sayo. Dito magiging kapakipakinabang ang mga kateam na magagaling, kasi matututo ka sa kanila kung paano ang kalakaran kahit hindi ka magtanong basta makinig at manuod ka lang. Madalas naman yung mga magagaling na agents eh willing magturo sa mga bago. Yung mga mayayabang lang at may ginagawang kalokohan ang madalas na ayaw kasi nga hindi sila makakapag-calls ng naayon sa diskarte nila kapag may audience.

Kailangan maging mapili sa mga kakaibiganin sa BPO. Dapat dun ka sa mga may maituturo sayo, yung masisipag magtrabaho, masaya sa trabaho at may malasakit sa kapwa. Dapat obserbahan kung backstabber ba sila sa ibang kaibigan nila sa office at baka ganun din sila sayo.

Toxic kasi sa call center, tipong napakalala ng plastikan at office politics. Kaya kung paanong ang problema mo sa bahay eh dapat mong iwan, dapat yung mga kakaibiganin mo eh ganun din. Mahirap kasi kapag daingan ka na nga ng customer mo sa phone eh ganun din ang gawa sayo ng officemate mo kapag break time. Okay lang sana kapag paminsan minsan lang lalo na kapag mabigat talaga ang problema ng kaibigan mo.

Yun nga lang, marami rin kasing tao sa BPO ang talagang walang disiplina. Tipong ubos biyaya kapag sweldo tapos puro reklamo kung paanong siya eh hindi properly compensated kapag wala na siyang budget at saka ka uutangan. Masakit sa ulo di ba?

Bilang panganay na anak at undergraduate, natry ko ng maging working student at magpaaral ng kapatid na high school hanggang sa magcollege kaya masasabi kong asar talo ako sa mga naging officemates ko na hindi marunong humawak ng pera tapos puro reklamo. Dapat sa kanila bigyan ng payo once, tapos kapag ginawa kang daingan ulit eh tumakas ka na. Wag pabayaang ang 15 minute o lunch break eh magugol sa nakakastress na usapan.

Stress kasi ang pinakadahilan ng mga sakit na nakukuha ng agents based mismo sa sarili kong karanasan. Kaya kung paanong dapat galingan sa trabaho eh dapat galingan din ang paghahandle ng stress.

Marami ang mga taong sipsip sa boss at feeling close sa BPO kaya dapat mag-ingat sa mga sasabihin. Mamaya tamang reklamo ka tungkol sa TL mo sa kateam mo tapos bigla kang isinumbong. Kaya mas maganda kapag merong reklamo eh iparating sa kinauukulan kesa idaldal sa mga kasama.

Madalas naman ang coaching sessions sa BPO kaya kapag  may hindi ka gusto sa TL mo eh pwede mo namang sabihin sa kanya in a nice way. Kapag sobrang panget or unprofessional ang atraso sayo at nakakaapekto na masyado sa pagtatrabaho mo eh pwede mo ring isumbong sa boss niya or sa HR. Mas magandang ireport ang mga ganap na panget sa opisina kesa mag-rant sa social media or idaldal sa mga officemates mo ang mga hindi mo gusto. Kasi hindi mo naman pareho teammates mo, baka okay na okay sila sa TL mo tapos ikaw lang pala ang hindi. Saka kapag sa facebook ka naman nag-rant eh mangunsumi pa ang ibang kamag-anak mo sayo. Saka baka tamang stalker mo pala yung TL mo eh gamitin pa nya laban sayo yung mga pinaglalagay mo sa wall mo.

Natry ko nang magkaroon ng TL na ayaw na ayaw sakin, as in kasabay nya maglunch ang mga kateam ko at ako lang madalas ang hindi kasali. Later on, nalaman ko na inuutangan niya pala mga teammates ko at ako lang ang hindi niya mautangan.

In short, wag ikalungkot kapag merong taong hindi ka gusto. Malay mo kaya hindi ka niya gusto kasi hindi ka niya mapakinabangan at hindi dahil sa meron kang ginawang masama sa kanya. Masasabi ko rin pati na dapat kapag magpapautang ka sa BPO eh wag ka nang umasang babayaran ka. Kasi may mga mangungutang lang ng mangungutang tapos mag-aAWOL na o kaya naman eh talagang walang balak na bayaran ka.

Ito yung industry na kailangan ng bonggang bonggang self dicipline, pagtitiis at galing sa pakikisama. As in kung gusto mong umiwas sa away eh dapat alam mo kung ano ang kahulugan ng salitang respeto at kung paano ito iapply. Maraming bully sa BPO, tapos kapag nagreklamo ka ng bullying eh magmumukha ka lang tanga. In short, kung ang pambubully sayo eh verbal lang naman, tiisin mo nalang or kung bully ka din bahala ka na kung gusto mong gumanti. Parang libangan nalang kasi ang bullying sa call center, tipong mas offensive, mas nakakatawa.

Iba-iba at kakaiba din ang paniniwala ng mga tao sa BPO kaya dapat hindi mo itutulad sa sarili mo. Kailangan malakas ang pakiramdam, kapag hindi comfortable ang officemate mo sa topic nyo eh wag ka ng mangulit para hindi ka kainisan.

Basta ang lagi ko lang tinatandaan pagdating sa pakikisama eh yung nasa 1 Corinthians 15:33 na ang masasamang kasama eh sumisira ng magandang ugali. Hindi ko sinasabing iwasan ang mga taong sa tingin mo eh masama ang ugali, ang ibig kong sabihin, dapat mag-ingat at baka mamaya eh mahawa sa hindi magandang ugali ng iba. Kapag mabait ka naman pwedeng yung salbahe naman ang mahawa sayo eh. Kailangan lang talagang maging matalino sa pakikisama.

For any questions, comment lang po kayo. Thanks sa pagbasa.

 

Paano gamitin ang coins.ph sa Megatypers, 2captcha.com, at Protypers

Sa mga nagsi-search for online jobs, masasabi kong ang pagtatype ng captcha ang isa sa pinakamadali at based sa experience ko ang mga captcha sites na nagbabayad talaga ay ang mga sumusunod.

  1. MEGATYPERS.COM
  2. 2CAPTCHA.COM
  3. PROTYPERS.COM

Nung una problemado ako kasi paypal lang ang alam kong legit na pwede kong gamitin na payment method at madalas malaki pa yung required amount para makapag-request ng payout ($3.00). Para sakin malaki na yan dati kasi nga nagsisimula palang ako at ayaw ko naman sayangin ang oras ko sa hindi nagbabayad na site.

Then nabasa ko sa facebook na pwede palang gamitin ang coins.ph sa 2captcha.com. Kaya nagdownload ako ng app nila sa playstore then signed-up. May referral promo sila kapag gumamit ng code or link ng existing user. Ito yung referral link ko: https://coins.ph/invite/8cw07o?v=2 at code: 8cw07o sa mga gustong gumamit. Kailangan mag-upload ng valid id sa coins.ph para magamit ng maayos yung mga features ng site/app nila. Dapat honest din sa details para maiwasan ang problema sa pagwiwithdraw.

Magkakaroon ng dalawang wallet sa coins.ph. Isang bitcoin wallet at peso wallet na may corresponding bitcoin and peso wallet addresses. Kapag peso wallet address ang ginamit, automatic na converted na kagad from bitcoin to PHP yung payment. Para sakin mas okay ang bitcoin wallet address kasi pwede pa akong maghintay nang mataas na conversion rate.

Based sa mga nabasa ko na before, pwedeng gumawa ng multiple accounts sa Protypers at Megatypers. Kailangan lang ng magkakaibang email addresses at payout option. Magkapareho ng interface ang Protypers at Megatypers kaya nagamit ko yung peso at bitcoin wallet addresses ko dun sa dalawa. Kapag bitcoin ang payment method, $1.50 lang ang minimum kapag paypal naman, $3.00. Sa 2captcha.com naman eh $1.00 lang ang minimum amount at pwede magrequest ng payout anytime.

Every Monday ang processing ng payment ng Megatypers at Protypers at automatic yun kapag umabot yung Typer Credits sa minimum amount. Aabutin pa ng ilang araw bago makumpleto yung process. Minsan umabot pa yung sakin ng 5 days bago ko matanggap sa coins.ph yung payment ko.

Maraming options ang coins.ph gaya ng cash cards, cash pickup, banks, etc. Security Bank lang ang gamit ko at masasabi kong ang bilis ng process once na asa coins.ph na yung pera. Tingin ko kasi money transfer from an SB account to another lang ang ginagawa nila. Madalas kasi ni hindi man lang umaabot ng maghapon eh nasa savings account ko na agad.

Malaking tulong ang coins.ph at hindi ko na kailangan pang lumabas ng bahay para pumuntang bank or Cebuana. Once na nasa savings account ko na yung payment, yung pera na rin na yun ang ginagamit ko sa pagbabayad ng bills gamit ang Security Bank’s app. Now, hindi pa naman enough para sa lahat ng bills ko pero malaking tulong narin. Hindi ko pa naman kasi naaasikaso talagang mag-focus sa online jobs ko at may mga legal stuffs pa akong inaasikaso at maraming ganap sa pamilya nitong mga nakaraang buwan. Kaya medyo magulo pa utak ko lately.

Sa mga nangangailangan nga pala ng invitation codes sa Megatypers, ito yung mga codes ko: CMSG, CMSF, CMSH, CMSI, CMSJ, CMSK, CMSL, CMSM, CMSN at CMSO.

Kapag Protypers naman: CMHH, CR4R at CR4S

For any questions feel free to comment. Kapag hindi ko alam ang sagot tutulungan ko kayong mag-google. Hehehe…

Feeling Inspired

Namatay na Tito Boyet ko after almost 17 years ng pagiging bedridden. Kahapon siya nilibing. Kaya, syempre, naipon na naman ang pamilya which is nakakalungkot dahil saka lang kami naiipon kapag may patay.

Anyway, feeling inspired ang naisip kong title at sobrang nainspire ako sa nakita kong pagmamahal ng mga pinsan ko sa Tito ko. Nakaka-inspire din ang kasipagan nila kahit na maalwan naman na sila sa buhay. Ang pagkawala ni Tito eh parang wake up call sakin to spend more time with my extended family. Lalo na sa 5 tito at tita kong natitira. Grabe ang tanda na nila, as in malalapit na silang maging senior citizens lahat.

Saka nakapag-isip-isip din ako, seeing my cousins. Yung masasabi kong meron akong gustong tularan at merong hinding hindi dapat gayahin. Yung feeling na dapat na ang bawat kwento eh hindi dapat papasok at lalabas lang sa magkabilang tenga. Yung dapat pag-isipan ko kung ano ba yung aral na ibig ituro.

Kaya eto ako ngayon, feeling energized din at game na game i-achieve ang kanyang mga goals sa buhay. Baka sa kalagitnaan pa ako ng taon makabalik sa pagtatrabaho sa office kaya kailangan munang magfocus sa aking online jobs at pamamasyal sa aking mga mahal sa buhay dahil pagbalik ko sa office eh pahirapan na ang pagbabakasyon ulit.

These past few weeks eh tamang practice ako ng mindfulness at positive thinking. Nagsimula na din akong mag-meditate which is nasira lang dahil sa recent events pero itutuloy ko din agad ngayong dito na ako ulit sa house.

Ayan lang muna, I will write another blog for my El Nido, Palawan trip kapag naorganize ko na ang aking thoughts kung ano ba gusto kong isulat.