Paano makisama sa mga officemate (Call Center/ BPO)

Sa BPO Industry palang naman ako nakakapagtrabaho kaya ganyan ang naisip kong title. Hindi English tong post dahil ang target readers ko eh yung mga taong gustong magka-idea kung paano ang kalakaran ng pakikisama sa mga katrabaho sa call center.

20 years old ako nung nagsimula sa isang maliit na call center sa Ortigas. Undergraduate lang ako at nung una pakiramdam ko walang tatanggap sakin dahil hindi naman ako sanay ng makisalamuha sa iba. Active naman ako sa school nung highschool pero sa dami ng mga problemang dumating at pagkakatigil ko sa pag-aaral eh nawalan ako ng kompyansa sa sarili.

Isa sa masasabi kong maling paniniwala sa pag-aapply sa call center ay yung mataas na pinag-aralan at galing sa computers. Para sakin confidence ang unang dapat na meron ang isang applicant saka basta marunong magtype okay na. Hindi rin naman pati lahat ng company eh may typing test. Basta dapat marunong sumagot sa “tell me something about yourself” kasi nga naman, sarili mo na yan, kapag wala ka pang nasabi ewan ko nalang. 🙂

Sobrang dami pati ng BPO companies, tipong mag-apply lang maghapon sa Ortigas or BGC eh marami ka ng matututunan. Para sakin ang pagbagsak sa pag-aapply sa call center eh hindi dapat ikalungkot, kasi baka yung kalungkutan mo eh madala mo pa sa next company na aaplayan mo. Kailangan i-enjoy ang pag-aapply at siguraduhing nakikinig o nagbabasa ng instructions para hindi mapahiya. Kasi kapag hindi ka nakinig, kailangan mong magtanong in English at magmumukhang hindi ka interasado kaya markado ka na agad sa recruitment specialist.

Nung unang panahon na nag-apply ako, masyado akong honest sa mga tanong. Yung tipong pati problema ko sa pamilya eh naikwento ko pa, ayun tuloy, hindi ako nakapasa. Kailangan kasi sa BPO malakas ang loob at magaling maghandle ng stress or problema. Ito kasi yung tipo ng industry na problema ng kung sino-sino eh puproblemahin mo. Kaya kapag nasa office na dapat hindi bitbit ang mga problema sa bahay.

Mahirap to and until now eh hindi ko parin namamaster. Bilang panganay na anak ng isang alcoholic at battered wife, masasabi kong the struggle is real. Basta dapat focus lang, at fake it til you make it ang peg pagdating sa interview. Kailangan magpanggap na game kang lutasin ang problema ng kahit na sino. Kailangan bawat tanong nila, meron kang sagot.

Kapag nakapasa na at start na ng training, kailangan galingan magmanage ng time. Kasi kapag late ka palagi, tatanggalin ka nila agad. Saka kailangan galingan sa training, tipong dapat feeling mo nakikipag-agawan ka sa pagiging first honor. Basta wag lang magiging mayabang para hindi kainisan. Nagtatanggalan kasi sa training at madalas madaming exams, saka dito ka matututo ng ibang isasagot mo sa customers kapag asa floor ka na kaya dapat makinig nang maayos. May possibility din pati na may recognition after ng training at ang mga magagaling eh mapupunta sa mga teams sa floor na matataas ang stats. Kaya bonus points kapag sa magagaling na team napasama.

Kahit feeling mo info overload ang training, pagdating sa floor pakiramdam mo parang wala ka lang natutunan at maaaring masisi mo pa yung trainer sa mga hindi niya naituro sayo. Dito magiging kapakipakinabang ang mga kateam na magagaling, kasi matututo ka sa kanila kung paano ang kalakaran kahit hindi ka magtanong basta makinig at manuod ka lang. Madalas naman yung mga magagaling na agents eh willing magturo sa mga bago. Yung mga mayayabang lang at may ginagawang kalokohan ang madalas na ayaw kasi nga hindi sila makakapag-calls ng naayon sa diskarte nila kapag may audience.

Kailangan maging mapili sa mga kakaibiganin sa BPO. Dapat dun ka sa mga may maituturo sayo, yung masisipag magtrabaho, masaya sa trabaho at may malasakit sa kapwa. Dapat obserbahan kung backstabber ba sila sa ibang kaibigan nila sa office at baka ganun din sila sayo.

Toxic kasi sa call center, tipong napakalala ng plastikan at office politics. Kaya kung paanong ang problema mo sa bahay eh dapat mong iwan, dapat yung mga kakaibiganin mo eh ganun din. Mahirap kasi kapag daingan ka na nga ng customer mo sa phone eh ganun din ang gawa sayo ng officemate mo kapag break time. Okay lang sana kapag paminsan minsan lang lalo na kapag mabigat talaga ang problema ng kaibigan mo.

Yun nga lang, marami rin kasing tao sa BPO ang talagang walang disiplina. Tipong ubos biyaya kapag sweldo tapos puro reklamo kung paanong siya eh hindi properly compensated kapag wala na siyang budget at saka ka uutangan. Masakit sa ulo di ba?

Bilang panganay na anak at undergraduate, natry ko ng maging working student at magpaaral ng kapatid na high school hanggang sa magcollege kaya masasabi kong asar talo ako sa mga naging officemates ko na hindi marunong humawak ng pera tapos puro reklamo. Dapat sa kanila bigyan ng payo once, tapos kapag ginawa kang daingan ulit eh tumakas ka na. Wag pabayaang ang 15 minute o lunch break eh magugol sa nakakastress na usapan.

Stress kasi ang pinakadahilan ng mga sakit na nakukuha ng agents based mismo sa sarili kong karanasan. Kaya kung paanong dapat galingan sa trabaho eh dapat galingan din ang paghahandle ng stress.

Marami ang mga taong sipsip sa boss at feeling close sa BPO kaya dapat mag-ingat sa mga sasabihin. Mamaya tamang reklamo ka tungkol sa TL mo sa kateam mo tapos bigla kang isinumbong. Kaya mas maganda kapag merong reklamo eh iparating sa kinauukulan kesa idaldal sa mga kasama.

Madalas naman ang coaching sessions sa BPO kaya kapag  may hindi ka gusto sa TL mo eh pwede mo namang sabihin sa kanya in a nice way. Kapag sobrang panget or unprofessional ang atraso sayo at nakakaapekto na masyado sa pagtatrabaho mo eh pwede mo ring isumbong sa boss niya or sa HR. Mas magandang ireport ang mga ganap na panget sa opisina kesa mag-rant sa social media or idaldal sa mga officemates mo ang mga hindi mo gusto. Kasi hindi mo naman pareho teammates mo, baka okay na okay sila sa TL mo tapos ikaw lang pala ang hindi. Saka kapag sa facebook ka naman nag-rant eh mangunsumi pa ang ibang kamag-anak mo sayo. Saka baka tamang stalker mo pala yung TL mo eh gamitin pa nya laban sayo yung mga pinaglalagay mo sa wall mo.

Natry ko nang magkaroon ng TL na ayaw na ayaw sakin, as in kasabay nya maglunch ang mga kateam ko at ako lang madalas ang hindi kasali. Later on, nalaman ko na inuutangan niya pala mga teammates ko at ako lang ang hindi niya mautangan.

In short, wag ikalungkot kapag merong taong hindi ka gusto. Malay mo kaya hindi ka niya gusto kasi hindi ka niya mapakinabangan at hindi dahil sa meron kang ginawang masama sa kanya. Masasabi ko rin pati na dapat kapag magpapautang ka sa BPO eh wag ka nang umasang babayaran ka. Kasi may mga mangungutang lang ng mangungutang tapos mag-aAWOL na o kaya naman eh talagang walang balak na bayaran ka.

Ito yung industry na kailangan ng bonggang bonggang self dicipline, pagtitiis at galing sa pakikisama. As in kung gusto mong umiwas sa away eh dapat alam mo kung ano ang kahulugan ng salitang respeto at kung paano ito iapply. Maraming bully sa BPO, tapos kapag nagreklamo ka ng bullying eh magmumukha ka lang tanga. In short, kung ang pambubully sayo eh verbal lang naman, tiisin mo nalang or kung bully ka din bahala ka na kung gusto mong gumanti. Parang libangan nalang kasi ang bullying sa call center, tipong mas offensive, mas nakakatawa.

Iba-iba at kakaiba din ang paniniwala ng mga tao sa BPO kaya dapat hindi mo itutulad sa sarili mo. Kailangan malakas ang pakiramdam, kapag hindi comfortable ang officemate mo sa topic nyo eh wag ka ng mangulit para hindi ka kainisan.

Basta ang lagi ko lang tinatandaan pagdating sa pakikisama eh yung nasa 1 Corinthians 15:33 na ang masasamang kasama eh sumisira ng magandang ugali. Hindi ko sinasabing iwasan ang mga taong sa tingin mo eh masama ang ugali, ang ibig kong sabihin, dapat mag-ingat at baka mamaya eh mahawa sa hindi magandang ugali ng iba. Kapag mabait ka naman pwedeng yung salbahe naman ang mahawa sayo eh. Kailangan lang talagang maging matalino sa pakikisama.

For any questions, comment lang po kayo. Thanks sa pagbasa.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s