Juice Fasting

Matagal ko nang napapakinggan at nababasa na maganda ang benefits ng juice fasting and water fasting. Hindi ko nga lang magawa kasi mahilig talaga akong kumain at may problema din ako sa sugar. One year na akong hindi nagpapacheck-up at malamang full blown diabetic na ako. Ang sabi kasi ng doctor ko last time, hindi pa daw niya muna ako riresetahan ng pang-maintenance dahil bata pa naman ako. Daanin ko nalang daw sa lose weight. Ang kaso mas lalo akong tumaba since then. Kailangan kasi mag-consult muna sa doctor bago mag-fasting, hindi ko ginawa at ayoko ng kontrabida. Hehehe.

Nagsimula akong mag-mix ng juice and solid food last August 27. Tapos puro fruit and vegetable juice simula August 30.

Hindi ako nakadumi ng 4 days, siguro dahil sa kulang ako sa fiber. Sobrang hirap ng first 3 days, pakiramdam ko hihiwalay ang laman ko sa buto ko. Grabe rin ang sakit ng ulo at pagiging irritable ko. Tapos pakiramdam ko may humihila ng mga litid ko sa alak-alakan kapag naglalakad at sobrang hirap bumangon.

Apple, pipino, carrots, repolyo, singkamas, calamansi, peras at sayote ang ginagamit ko sa manual juicer. Hindi ako gumagamit ng blender kasi maiinom ko din lang at maidudumi yung fiber. Bumibili din ako ng buko 5th day onwards, since nakakapanghinayang naman itapon yung laman, kinakain ko na pero yung malauhog na buko lang naman. The same thing with grapes, ang alam ko kasi masustansya yung balat nun kaya nakakapanghinayang i-juicer. When it comes naman sa calamansi, sinasamahan ko siya ng kaunting himalayan salt. Hindi kasi pwede ang marami at mataas din ang cholesterol ko and it will require me to drink more water.

Naging napakatapang ng pang-amoy at panglasa ko. As in mas nalalasahan ko na yung mga juice na iniinom ko at kahit malayo ang room ko sa lutuan eh amoy na amoy ko palagi ang mga niluluto ni Mudra.

I haven’t set a date kung hanggang kailan ko to gagawin, siguro hanggang sa kaya ko with God’s help. Marami kasi akong iniinda sa katawan kaya I really need to detox. I’ll update this post nalang from time to time.

Update 9/14/17

I’ve started eating again on the 8th day. Sobrang nag-crave kasi ako sa proven. Hahaha. Since then, once a day lang ako kumain ng meat and madalas na akong magpapak ng carrots at pipino. Nasanay na rin lang siguro talaga yung panlasa ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s