Paano Kumita sa Kolotibablo

Kolotibablo na ang captcha site na madalas kong gamitin ngayon. Ang speed ng paglabas ng captcha ay depende sa sipag ng member. Kapag masipag kang magtype at maghintay ng mas maraming captcha mas kikita ka.

Hindi ako full time sa pagtatype ng captcha dahil busy rin ako sa aking PTC accounts. Pero plano kong maging busy na din dito, lalo na sa Kolotibablo, kasi nakikita kong umaabot ng $3 to $5 ang kinikita ng mga nagpu-full-time based sa list ng Top Workers.

Ito nga pala yung payment history ko.

kol his

Ito naman yung aking daily stats sa baba. As you can see, hindi talaga ako masipag. 🙂 For those na gusto tong gawing full time na hanapbuhay, magregister lang using this link. Yun nga lang, kailangan dito ng sipag at tyaga. Kasi sa umpisa, patataasin mo munayung parameters mo.

daily.PNG

For image captchas, mas mabilis gamitin ang web browser. Kapag Recaptcha naman mas okay ang web app at mobile app. Pwedeng gumawa ng multiple accounts sharing the same network/wifi connection. Yun nga lang dapat magkaibang device. For example: nagta-type ka ng image captcha/solve ng recaptcha gamit ang pc/laptop tapos recaptchas naman sa mobile app. Napipili ang type of captchas to solve sa settings ng mobile at web app then sa start page naman kapag sa web browser.

May tinatawag din na IMG boosted priority at RC boosted priority. Meaning, kung gusto mong magpataas ng parameters at magsolve ng maraming captchas sa mababang rate, pumili lang from 0% (normal rate), 10%, 20%, 30%, 40% at 50%. Ang technique ko sa mobile app; Recaptcha lang ang pinipili ko then 50% tapos kapag nakakarami na akong RC kusa nang tumataas yung boosted priority ko. Then kapag nasa 150 pataas na sya, saka ko naman pinipili yung 10%, kapag around 130 lang 20% naman. Bale, tantyahan lang. Kahit kasi normal rate kung 1 Recaptcha per minute/2mins naman eh sayang lang ang oras kaya mas okay na sakin yung may discount basta sunod-sunod.

Ang madalas na rate for Recaptcha ay $1.1 for 1000 RC. Tapos $0.42 for 1000 Images naman. Depende rin pati ang speed sa dami ng system load.  Kapag mahigit 100% ang load umaabot ng $2.2 per 1000 Recaptchas. Kahit hindi lumampas ng 100% pwede paring maging mahigit $1.1 ang rate basta kaunti yung workers. I mean, tinataasan nila ang rate to encourage ang mga workers na magsolve ng Recaptcha. Syempre, mas mabilis ma-solve mas matutuwa ang clients at mas maraming business.

Regarding naman sa payment process, kapag umabot ng $0.50 ang balance pwede mo ng i-transfer sa Kolotibablo account na gagamitin for withdrawal as long na may $0.50 minimum balance din yun. Mas mabilis kasing maabot ang minimim payout sa preferred payment method kapag iipunin sa isang account ang earnings. $1.00 lang naman ang minimum maliban sa VISA/Mastercard. Possible na mag-iba ang minimum payout, basta lalabas naman yung option to select kapag pwede na eh.

method.PNG

AdvCash ang preferred kong gamitin ngayon. Para makuha ko yung income ko in peso, nag-create ako ng account sa changer.com at coins.ph for free. ฿0.0010 ang minimum amount na pwedeng matanggap in BTC. Sometimes, mahigit $8, $9 or even $10 ang dapat AdvCash balance, so depende talaga sa BTC rate. Kapag gustong nasa peso na agad ang matanggap, yung Blockchain Wallet Address ng PHP wallet ang ilagay sa bitcoin address.

cha

May discount nga pala kapag may account ka sa changer.com. 

Recorded din ang mga transactions kapag may sariling account. Marami pating pagpipilian kaya pwedeng i-convert from AdvCash to Perfect Money, Payeer, Litecoin at kung ano-ano pa. Ang baba lang pati ng minimum amount to convert, as in $1 lang sa ordinaryong pera. I mean hindi cryptocurrency. I highly recommend changer.com sa mga nagwowork din sa PTC Sites na gustong i-invest ang kita nila from Kolotibablo to PTC Sites, like ScarletClicks, GPTPlanet at Twickerz. Madali lang kasing mag-convert from AdvCash to Perfect Money and Payeer na mas okay gamitin sa PTC ngayon dahil di na pwede ang Payza at Paypal.
Hanggang dito nalang muna. For any questions feel free to comment.

Update: Available na ulit ang Bitcoin (min. 0.002BTC) and Paypal (min. $200) as payment method. For the details on how to use coins.ph as bitcoin payout option, just click here.

Advertisements

4 comments

  1. hi my account na ako sa changer.com and coins.ph, pero pag clenik q ung account sa coin.ph dito sa blog mo lumalabas na agad ung ref code mo, dko msyado maintindihan, kc my pera na ako sa kolotibablo na $1 dko alam panu gamitin itong dalawa changer.com at coin.ph. dko alam kung san kukunin ung bitcoin address.need ko bang magcreate ng bitcoin address?please help maraming salamat.

    1. Hi Patricia! Please read PAANO GAMITIN ANG COINS.PH SA MEGATYPERS AT 2CAPTCHA.COM. Andun yung instruction sa pagkuha ng Bitcoin address sa coins.ph app saka sa website. Kailangan mong magcreate din ng advcash account para sa payout then use changer.com to exchange advcash to bitcoin. Around $8 to $10 ang kailangan para makapag-exchange.

      1. ok po mam, thank you very much for the info kc po ung una kung earn sa kolotibablo dko po alam kung panu ko kukunin first timer lang po kasi akong worker ng kolo, sa wallet one ko nilagay, baka po mam matulungan po nyo ako.puro kasi international ung option nila dun, kpag klenik ko po ung transfer.Please help. sayang din naman un $10 isang buwn ko po ung pinghirapan.maraming salamat po ule, and GOD BLESS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s