Reviews

Royal Cable/Internet Review

Nakapunta na akong Royal Cable sa Pavilion last Friday para magpakabit ng internet. Currently, Royal na ang cable namin kaya iba-bundle nalang yung internet. May anniversary promo kasi sila kaya sinamantala ko na, though ang sabi naman eh hanggang December pa daw yung promo. 3 weeks daw akong maghihintay before the installation date so malamang 1st or 2nd week of November na yun maikakabit. Naisipan ko lang magsulat na ngayon para at least mas detalyado yung magawa kong review.

When it comes sa cable, maligaya naman ako dahil merong FoxCrime at maraming movie channels. Yun nga lang if you’re after watching Indian shows eh mabibigo ka. Wala kasi akong makitang ganun sa programs eh saka Australian channel hindi ko din makita. Jade Package lang naman yung plan namin, so I don’t know if those channels eh included sa Diamond Package nila. Nabanggit ko lang naman kasi sa BPO nga ako dating nagwowork kaya for me maganda kapag may Indian channels para magkaroon ka ng idea about Indian culture since possible na magkaroon ka ng mga Indianong katrabaho if you’re also an agent. The same logic applies with Australian channel saka kapag Australian account handle mo, magandang sanayin yung pandinig mo sa accent nila by watching Australian shows/news.

Here’s the list of channels ng Royal.

Naikabit na din yung internet ko noong Novemver 9. Ang kinuha kong plan ay yung 5 mbps tapos ang range ng result ng speed test ko so far eh 3.5 to 4.7 mbps. Natry ko na din one time yung mawalan ng connection pero bumalik din naman after 3 hours. Kapag medyo nababagalan ako eh sinusbuukan ko munang magspeed test sa laptop and cellphone ko and usually naman eh sa laptop ko lang mabagal, so as a basic troubleshooting eh nagdi-disconnect and reconnect ako sa devices ko and at times unplugged and plugged ng router. I think it’s better to leave the router off din pati at times na wala ka namang gagawin sa net, para makatipid sa kuryente at makapahinga din yung router.

When it comes sa installation eh hindi naman tumawag in advance yung technician. Ako pa ang tumawag sa Royal on this number 09328714260 before lunch time nung November 9 at nag-aalala na akong hindi sila tutuloy. Para kasi malaman ko lang na magkakabit na sila eh kinailangan ko pang pumuntang Pavilion a few days before the installation date para magtanong.

For now, masasabi kong okay ang mismong internet and cable ng Royal. When it comes sa customer service, I think hindi pa siya okay or maybe it’s just me. 🙂

UPDATE 2/20/2017

Sobrang bagal ng internet nila paggabi, 7pm onwards. Mas madalas pa naman akong online sa gabi and it’s so annoying. Less than 1mbps ang download and upload speed ko. Tapos they stopped sending my bills na din pati, magtitext lang sila kung magkano yung balance. Bale simula November last year, wala na kaming natanggap na bills. Siguro 2 weeks na din na ganito kabagal net ko sa gabi. Hindi naman nawawala yung connection, super bagal lang talaga kahit na magbasic troubleshooting pa ako.

UPDATE 3/4/2017

Sobrang nakakainis ang speed ng Royal kapag weekends. As in if you’re planning to work from home during weekends eh matutuyuan ka ng dugo sa sobrang inis. Please see below.

royal

Kanina pa ako dito at wala akong matrabahong matino dahil yung site na kailangan ko eh nangangailangan ng  mabilis na internet. 5mbps ang plan ko tapos hindi man lang umaabot ng 1mbps ang speed ko. Done with basic troubleshooting, so I guess ganito na talaga ang Royal every weekend which is so annoying.

royal

UPDATE 3/26/2017

Last 3/24, nagtext ako sa Royal at tinanong kung magkano na yung balance ko. Kasi ever since na nag-upgrade ako eh once lang ako nakatanggap ng bill which happened after I posted it here. Instead of answering my question, they sent me a bunch of cellphone numbers plus a message that I might experience intermittent connection on 3/25 due to system upgrade. Hindi nalang ako nagreply, pero naisip ko na since super slow ang connection ko tuwing weekends eh baka walang connection ang ibig sabihin nila sa intermittent. Natuwa naman ako’t hindi ako nawalan ng connection kahapon. Naging super bagal lang siya which is normal na kapag weekends. Kaya yung Sun pocket wifi ko nalang ginamit ko nung bandang hapon.

Regarding my bill, wait ko nalang silang putulan ako ng connection then update ko kayo dito kung ilang buwan sila bago magdisconnect. Charot!!! I think kulang lang ako ng one month. Nung minsang nagtanong kasi ako sa Pavilion, ang pagkakaintindi ko sa sagot ni Ate eh wala siyang access sa details ng account ko like billing cycle kaya dapat magrely ako sa bill eh kaso wala nga. Kailangan kasi ng bill number kapag sa payment center sa Savemore eh nakakatamad naman pumuntang Pavilion at malayo lalakarin ko pauwi.

Anyway, meron naman na silang website kaso under construction pa yung my account na part.

royal.PNG

Gayunpaman, ako’y excited sa website. Sana magkaroon ng online billing at payment narin para masaya. Sana din eh maramdaman ko ang benefits ng system upgrade. Sa ngayon kasi yung schedule ko eh nakabase sa speed ng net ko kaya hindi na ako natutulog sa gabi kasi hindi ako makapagwork ng maayos ng araw sa bagal ng net. Ito yung mga oras na mabilis ang net.

  • Everyday 1am to 7am
  • Monday to Friday 2pm to 5pm

Para sakin ang mabagal is less than 3mbps considering na 5mbps yung plan ko. Pero kung tamang browsing lang naman at Youtube eh mabilis naman na siya. Wag lang sasabayan ng pagda-download.

UPDATE 4/3/2017

Last March 30 pumunta akong Pavilion para magbayad ng bill kaso may system maintenance daw sila at hindi alam ni Ate kung kelan maaayos tapos sinabi ko na rin sa kanya na wala akong natatanggap na bill. Sabi nya meron daw bill, nasa contractor daw at pwede ko rin daw subukang bumalik kinabukasan para magbayad.

March 31, system maintenance parin pero this time alam na ni Ate kung hanggang kailan. Hanggang next Friday pa daw (April 7). Regarding sa bill, wala talagang bill kasi nga walang system at obviously, wala din dapat magdisconnect ng service.

Currently, feeling technician na ang drama ko since last night. May internet connection naman ako kaso lahat ng sites na madalas kong gamitin na hindi nakabookmark ay ayaw gumana kahit speedtest.net at speedtest.ph. Feeling ko may virus ang laptop ko and I’ve checked online kung ano ba ang mga pwede kong gawin.

Then nagtry akong gamitin ang speedtest.net app ko sa phone at hindi rin siya gumagana. Also tried some of the websites na lagi kong ginagamit and ayaw din sa phone ko. After rebooting my router for a couple of times ay saka ko palang naisipang i-check yung meaning ng lights sa manual.

Downstream and Upstream – Blue Steady -> Downstream and Upstream frequency is locked. (channel bonding)

Syempre hindi ko magets kung ano talaga yan, kaya nag-google ako ulit. Kaya nakarating ako sa post na toh https://forums.mediacomcable.com/index.php?topic=27294.0 Copy pasted lang yung kuda nung tech nila below at tinatamad akong kumuha ng screenshots.

Re: Modem issues with upstream/downstream
« Reply #1 on: April 10, 2015, 06:17:27 PM »
Hello OscarGoldman, thank you for reaching out to us. When the lights on the modem turn blue, it just means that the upstream and downstream signals are bonding on more than one channel. This will not cause any issues with your service. When you notice the slow speeds, is it at a certain time of day, or just random?
Re: Modem issues with upstream/downstream
« Reply #3 on: April 10, 2015, 07:29:24 PM »
There could have been area maintenance or a firmware update that went through that would allow your modem to bond to more than one channel. I have looked over your modem and all signal levels are well within range and there are no utilization issues in your area. Can you bypass your router and connect a PC directly to your modem via Ethernet cable and see if you are still experiencing these issues?
Kaya ginamit ko ang aking ethernet cable and ganun parin. Ayaw parin ng laptop at phone ko sa sites na ginagamit ko. Gumamit ako ng Globe mobile data at okay naman ung sites. I’ve texted Royal at dahil sa wala rin naman silang 24/7 tech support eh wala akong natatanggap na sagot. Actually, hindi talaga sila sumasagot kasi kahit bago pa ako bumalik ng Pavilion nung Friday ay nagtext at tumawag muna ako sa 2 number nila.
Ayun, so feeling ko may system maintenance sila at umaasa akong maaayos din mamayang business hours. Hahaha… Mas magandang isipin ko yun kesa isipin kong sira ang laptop ko di ba? 🙂
Sa mga may problem sa browsing on some websites, maganda tong post ng wikihow. Madali lang siyang sundan, kaso walang gumana sa laptop ko eh. Kaya feeling ko ISP ko talaga ang problem.
Oo nga pala, meron Youtube at Facebook kaya possible din naman na not commonly used sites lang ang down habang may ginagawa sila para hindi naman sila ulanin ng complaints.
4/3/2017 9:14 am
Sinubukan kong tawagan lahat ng Sun numbers ng Royal na nakita ko sa FB page nila kaso lahat busy. Tinawagan ko yung unang number sa listahan at naghintay for almost 7 minutes kaso wala paring sumasagot. I know lalaki ng bongga ang mobile bill ko kaya tinigilan ko na. Then I’ve posted on their wall and inform other subscribers that they can try to use proxy like https://nl.hideproxy.me/. After an hour, hindi ko na makita sa page nila yung post ko kaya dito nalang ako sa wordpress account ko magsusulat. Hahaha. Dapat maayos yung net today at mawawalan ako ng pera kapag hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin. Anyway, tamang edit at gawa nalang muna ako ng blogs habang hinihintay maayos yung service.
9:58 am
Gumagana na siya. 🙂 Hihihi… I’ll start working na and hopefully tuloy tuloy ng maayos ang connection.
UPDATE 4/11/17 
Okay na ang payment system nila, kaya nakapagbayad na ako ng bill last April 6. Kulang pa ako ng 1 month at hindi ko maholdap ang aking Mudra ng pambayad ng 2 months at wala naman akong bill na hawak. Nasa record nila eh nilagay daw sa white gate namin kaso wala naman. Maybe yung bill na yun eh ung kaisa-isahang bill na natanggap ko since November.
Nawalan din ng connection during the day dito sa area namin (Southcity Homes) last Friday and Saturday at wala man lang pasabi. Tapos nung Saturday night ay nagtext sila na meron daw internet maintenance ng Sunday 3am. Kaya tawa nalang kami ni Mudra. 🙂
Hindi ako nirereplayan ng Royal through text pero very responsive naman ang kanilang Facebook page kapag nagpi-PM ako. 🙂 Kaya I recommend na mag-PM na din lang yung mga may reklamo or questions instead of commenting/posting on their post/wall. Kasi binubura nila ang negative posts and comments at ang itinitira lang eh yung mga general questions/inquiry about their services.
UPDATE 10/06/2017
Galing akong Manila at pagbalik ko super bagal ng net. Natulog muna ako dahil sa pagod and when I woke up nagyayaya na uncle ko papuntang Pavilion to pay the bill. Yun pala hindi sila nakapanood ng Probinsyano last night at bigla daw nawala. I still have my internet connection, so I guess it’s just the cable box. Nakalagay parin yung  name ng channel sa tv kaso walang broadcast yung channel. Internet connection is okay naman this afternoon. I’m planning to write a detailed review pa naman about their disconnection process kung how many months of unpaid bill and if their technicians will be nice enough to explain the process. Since it’s just the box, I don’t know if I have the right to complain unless I’ve paid the whole bill. When it comes to payment nga pala, I recommend 7/11 kasi based on my observation, posted siya kagad after 2 days and any amount pwedeng ibayad as long as it’s Piso pataas, as in pwedeng gawing parang installment unlike going to Pavilion wherein you’ll feel required to pay the whole amount saka sobrang dami pati ng 7/11 stores. Nag-pm na ako sa facebook account nila kaso wala pang reply.
Advertisements