travel

Matipid na Bakasyon sa El Nido, Palawan

palawan

Last January yung bakasyon ko sa El Nido bilang birthday gift ko sa sarili ko this year.

It turned out na yung mismong araw rin ng flight ko eh pagkamatay din ng isa sa mga tito ko at nasa airport na ako nung nalaman ko, kaya hindi na rin ako naging ganun ka-excited. Ilalagay ko nalang yung mga expenses at mag-comment nalang yung may gustong itanong. Bale 2 nights ako sa El Nido at isang gabi lang sa Puerto Princesa.

  • Flight AirAsia Seat Sale (Booking date 11/23/2015): 351.22
  • Pork Noodles Special sa Vietnamese Restaurant na madadaanan papuntang main road: 70
  • Multicab to San Jose Terminal: 13 (naglakad lang ako from Airport to Main Road)
  • Bread: 30
  • Water and Biscuits: 144
  • Roro Ordinary Bus to El Nido: 300
  • Stopover Food Pancit and 2 Bananas: 50
  • Food sa Carinderia near Roro Bus Terminal (masarap ang food): 55
  • Tricycle to Leonides (Island Front): 50 (dapat 20 lang kaso feeling mayaman ako nyan)
  • Banana (favorite ko talaga yan): 30
  • Food from the same carinderia: 80
  • T-shirts and Keychains: 890
  • Milo at Gatas: 40
  • Surf at Suka (para sa kagat ng maliliit na jelly fish): 18
  • Food sa may carinderia sa palengke: 65
  • Food sa carinderia malapit sa El Nido terminal: 40
  • Banana Shake: 50
  • Bread and cornbits: 22
  • Bibingka (sa may stopover papuntang Puerto Princesa): 80
  • Roro Ordinary Bus to Puerto Princesa: 300
  • Tour A sa El Nido: 1400
  • Kayak Rental: 300
  • Food (hindi ko na maalala kung anong food): 90
  • Yakult (Stopover): 24 (2 pieces, ang mahal noh?)
  • Pamasahe from San Jose Terminal to Airportside Inn (dalawang sakay): 33
  • Food: 208
  • Bread: 10
  • Food sa may carinderia sa Airport: 105
  • Leonides fan room for one night booked through Agoda: 518
  • La Mina Grande (Agoda) for one night: 600
  • Airportside Inn (Agoda) dormitory type: 250
  • Airport Fee: 200

TOTAL = 6416.22

Mga napatunayan ko sa aking pamamasyal sa El Nido:

  1. Napakaganda niya talaga as in busog na busog ang mata ko kahit Tour A lang ang kinuha ko
  2. Malamok
  3. Madalas ang brownout kaya magdala ng powerbank
  4. Mahina ang tubig sa gripo
  5. Mababait ang mga tao
  6. Napakaraming foreigners kahit hindi summer
  7. Masarap ang pagkain sa tour
  8. Magdala ng tsinelas na pwedeng gamitin sa dagat at masakit magpaa.
  9. Malakas ang signal ng Sun kaya nakakapag-facebook pa ako gamit ang pocket wifi ko
  10. Matatamis ang saging.
  11. Maliit na bayan lang siya kaya magandang maglakad sa paggagala para matipid.
  12. Merong BPI (malapit sa port) at bank malapit sa munisipyo na may ATM din, pero mas maganda kung maraming cash na dala kasi sa dami ng tourists mukhang madalas maubusan ang mga machines dun.
  13. Masarap sumakay sa ordinary bus kasi nakakatuwang makita yung pamumuhay ng mga tao dun mula sa pagpapadala ng kung ano sa konduktor hanggang sa tigli-limang pisong bayad ng napakaraming estudyanteng papara sa daan.
  14. Ang cute tignan nung mga asong naglalakad sa dagat, as in sa dagat talaga. Tapos yung mga asong mahimbing ang tulog sa buhanginan.

Mahilig talaga ako sa public transport kapag namamasyal. Lagi ko kasing iniisip na babalikan ko yung lugar with my family kaya dapat alam ko ang pasikot-sikot at kung saan makakakain ng mura pero masarap.